Paano Gumawa ng isang Reklamo

Share

Ang relasyon ng physiotherapist-pasyente ay isa na nakabatay sa tiwala. Ang mga physiotherapist ay dapat sumunod sa mga tuntunin at mga pamantayan na itinakda ng Kolehiyo ng Physiotherapist ng Ontario (College of Physiotherapist of Ontario) at magbigay ng ligtas at etikal na pangangalaga. Ang pag-aabuso sa tiwala ng pasyente ay hindi kailanman katanggap-tanggap.

Fact Sheet (Tagalog)

Mga Alalahanin o mga Reklamo

Kung mayroon kang isang alalahanin o reklamo tungkol sa pangangalagang natanggap mo mula sa iyong physiotherapist, ikaw ay may karapatan na magsumite ng isang reklamo sa Kolehiyo.

E-mail: investigations@collegept.org
Sa Toronto: 416-591-3828 ext. 227
Libreng-tawag sa Ontario: 1-800-583-5885 ext. 227

investigations@collegept.org

Paano Gumawa ng isang Pormal na Reklam

Maaari mong gamitin ang online na form upang maghain ng isang reklamo, isumite ang reklamo nang nakasulat o bilang isang rekording, o maaari mong i-download ang form ng reklamo upang i-print at pagkatapos ay ipadala ito sa pamamagitan ng email, o koreo.

Email: investigations@collegept.org
Adres ng Koreo: 375 University Avenue, Suite 800, Toronto, ON M5G 2J5

Kakailanganin namin ang:

  • Pangalan ng physiotherapist. Makakatulong ang kawani kung wala kang eksaktong pangalan o maaari mong tingnan sa online gamit ang Public Register ng Kolehiyo.
  • Ang iyong pangalan at impormasyon ng kontak.
  • Pangalan ng pasyente (kung ang reklamong ito ay tungkol sa iba maliban sa iyo).
  • Pinakamaraming detalye hangga’t maaari tungkol sa iyong alalahanin o sa kaganapang naganap.

Mga Mapagkukunan

Mandatoryong Pag-uulat

Ang batas ng Ontario ay nag-aatas sa lahat ng mga tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan at mga opereytor ng pasilidad, tulad ng mga tagapag-empleyo at mga may-ari ng klinika, na ipaalam sa Kolehiyo sa ilang mga sitwasyon.

Mga Pangunahing Kahulugan ng Mga Termino

Batas ng mga Pinangangasiwaang Propesyon sa Kalusugan

Ang batas na namamahala sa pagsasanay ng mga physiotherapist sa Ontario. Ang ikalawang bahagi ng batas ay tinatawag na Kodigo ng Pamamaraan sa mga Propesyon ng Kalusugan [Health Professions Procedural Code (Iskedyul 2)].

Nagrereklamo

Ang taong nagsampa ng reklamo sa Kolehiyo.

Mga partido

Ang nagrereklamo at ang physiotherapist na kasangkot sa proseso ng mga reklamo.

Panel

Isang grupo ng mga indibidwal na miyembro ng ICRC na nagsusuri ng isang nakatakdang kaso.

Regulasyon sa Maling Pag-uugali ng Propesyonal

Ang Regulasyon sa Maling Pag-uugali ng Propesyonal ng Kolehiyo ay nagbibigay ng isang pangkalahatang-ideya ng mga gawa na itinuturing na maling pag-uugali ng propesyonal.

Sekswal na pang-aabuso sa isang pasyente

Ang sekswal na pang-aabuso sa isang pasyente ng isang miyembro (physiotherapist) ay nangangahulugan na,

  1. pakikipagtalik o iba pang anyo ng mga pisikal na sekswal na relasyon sa pagitan ng miyembro at ng pasyente,
  2. paghipo, ng isang sekswal na katangian, sa pasyente ng miyembro, o
  3. pag-uugali o pananalita na may sekswal na katangian ng miyembro sa pasyente.
Eksespsyon

Hindi kasama sa sekswal na katangian ang paghipo, pag-uugali o mga pananalita na may klinikal na katangian na naaangkop sa serbisyong ibinigay.

Kawalan ng kakayahan

Kung ang propesyonal na pangangalaga ng isang physiotherapist sa isang pasyente ay nagpapakita ng kakulangan ng kaalaman, kasanayan o paghuhusga o pagwawalang-bahala para sa kapakanan ng pasyente sa isang kalikasan o sa isang hangganan na nagpapakita na ang physiotherapist ay hindi karapat-dapat na magpatuloy sa pagsasanay o na ang pagsasanay ng physiotherapist ay dapat na paghigpitan.

Kawalan ng Kapasidad

Kung ang isang physiotherapist ay dumaranas ng pisikal o pangkaisipang kondisyon o karamdaman na ginagawang kanais-nais para sa interes ng publiko na ang pagsasanay ng physiotherapist ay sumailalim sa mga tuntunin, mga kundisyon o mga limitasyon, o na ang physiotherapist ay hindi na payagang magsanay.