Paano Gumawa ng isang Reklamo
Ang relasyon ng physiotherapist-pasyente ay isa na nakabatay sa tiwala. Ang mga physiotherapist ay dapat sumunod sa mga tuntunin at mga pamantayan na itinakda ng Kolehiyo ng Physiotherapist ng Ontario (College of Physiotherapist of Ontario) at magbigay ng ligtas at etikal na pangangalaga. Ang pag-aabuso sa tiwala ng pasyente ay hindi kailanman katanggap-tanggap.
Mga Alalahanin o mga Reklamo
Kung mayroon kang isang alalahanin o reklamo tungkol sa pangangalagang natanggap mo mula sa iyong physiotherapist, ikaw ay may karapatan na magsumite ng isang reklamo sa Kolehiyo.
investigations@collegept.org
Paano Gumawa ng isang Pormal na Reklam
Maaari mong gamitin ang online na form upang maghain ng isang reklamo, isumite ang reklamo nang nakasulat o bilang isang rekording, o maaari mong i-download ang form ng reklamo upang i-print at pagkatapos ay ipadala ito sa pamamagitan ng email, o koreo.
Kakailanganin namin ang:
- Pangalan ng physiotherapist. Makakatulong ang kawani kung wala kang eksaktong pangalan o maaari mong tingnan sa online gamit ang Public Register ng Kolehiyo.
- Ang iyong pangalan at impormasyon ng kontak.
- Pangalan ng pasyente (kung ang reklamong ito ay tungkol sa iba maliban sa iyo).
- Pinakamaraming detalye hangga't maaari tungkol sa iyong alalahanin o sa kaganapang naganap.
Ihain ang Iyong Reklamo sa Online I-download at Punan ang Form ng Reklamo